Magsasama-sama sa isang adult drama film sina Anne Curtis. KC Concepcion at Derek Ramsay. Sa ginanap na story coneference, nabanggit ni Anne na kaabang-abang ang plot ng pelikula. Masaya rin daw siya sa kanyang co-star na si KC na unang sasabak sa isang mature role.

"Ito kasi, natatawa ako sa script. Alam mo yung mga sitwasyon, napagdadanaan ng lahat. Nakakatawa siya, pero seryoso. Basta. Feeling ko, palakpakan ang mga tao dito. Hindi naman daw comedy ang pelikula dahil mas sa drama ang itatakbo ng kuwento. Yes. But don’t expect a heavy drama. It’s more of a relatable drama especially for people sa age group natin," paliwanag ni Anne.

Nothing Compares To You ang working title ng pelikula. Ikinagulat din ng lahat kung bakit hindi napasama si Cristine Reyes, na kasama nina Anne at Derek sa box-office movie na No Other Woman.
Nilinaw naman ni Anne na hindi ito follow-up movie ng No Other Woman kaya hindi isyu ang casting. "Uhm, this is a totally different story. I guess it’s safe to say na iilan lang naman ang Viva leading men, so si Derek na agad ang nakuha. So yun."

Hindi nakasama si Derek sa story conference dahil nasa Boracay pa ito para sa ilang commitments. Nagkatrabaho na dati sina Derek at KC pero ito ang unang pagkakataon na magkakasama ang dalawang Viva princesses.

KC Concepcion, Direk Nuel Naval and Anne Curtis
Kaya naman hindi maiwasan ni KC na ma-pressure lalo pa't tinanghal na Box-Office King at Queen sina Derek at Anne. "Yeah! Siyempre naman may pressure. Sino ba naman ako para biglang mapasama sa… Gano’n naman, e, kahit sa'n ka pumunta... But I’m grateful. I’m thankful. I have to make sure na I’ll do my best. I’ll make sure na magiging maganda yung atake ko sa role ko."

Ngayon, mas motivated daw si KC na gumanap ng mature role lalo pa't marami na siyang experiences sa buhay. Masaya kasi yung role for me... hindi siya masyadong safe. "And ‘ando’n ako sa time na… sa time ng buhay ko na parang hindi na ako masyadong bagay sa sobrang safe dahil sa pinagdaanan ko na… namulat na yung mga mata ko. Gano’n. So yun. Excited ako na mero’n akong something new na paglalaruan… na pagtatrabahuan," pahayag ni KC.
This article is brought to you by Viva Entertainment. For Pinoy entertainment news and Pinoy showbiz balita, visit Viva Entertainment's official website www.viva.com.ph
Follow Viva site at these accounts!
Set as favorite
Bookmark
Email this
Hits: 4494
Comments (0)

Write comment





















































































































































