Pag narinig ang salitang Bob Ong, maalala mo agad ang mga librong nagpangiti, nagpaisip at minsan nagpaiyak sa'yo. Hindi maitatangging si Bob Ong na yata ang best-selling Filipino author sa panahon natin ngayon. Ayon sa tanyag na bookstore dito sa Pilipinas, kung pag-uusapan ang bilang ng nabentang kopya ng mga nobela ni Bob Ong, halos kapantay nito ang Noli Me Tangere at El Filibusterismo.

Chris Sy, Veronique Del Rosario-Corpus, Nida Ramirez of VISPRINT Inc., Valerie Del Rosario, Eric Cabahug, Vincent Del Rosario
Bumenta ng more than 700,000 copies ang kanyang librong ABNKKBSNPLAko?! At sa kasalukuyan, top 1 sa best-selling lists ang pinakabago niyang nobela na "Kung Lumayo Ka Nga Sa Akin." Ang nasabing libro ay isang parody ng Filipino movie industry.

Kung tungkol lang din naman ito sa mga pelikula, bakit hindi natin dalhin sa big screen ang obra maestra ni Bob Ong? Ito na nga ang nangyari. Ngayong taon, mapapanood na sa mga sinehan ang kanyang mga nobela. At ikinagagalak ng Viva Films na binigay sa kanila ang tiwala bilang producers ng pelikula.

Sa una ay hindi pa desidido si Bob Ong na isapelikula ang kanyang mga nobela. "Nung una ayaw niya. In-explain naman niya kay Sir Vincent [Del Rosario] na he didn't see Lumayo as a movie kasi Lumayo is a parody of the Filipino movie industry. Pero he trusts that Viva can have this creative view naman, very established naman yung Viva," pahayag ni Nida Ramirez ng VISPRINT Inc. na publisher ng mga libro ni Bob Ong.

Binili ng Viva Films ang dalawa sa siyam na libro ni Bob Ong. ABNKKBSNPLAko?! at Lumayo Ka Nga Sa Akin ang mga nakatakdang gawing pelikula. Bukod sa pagsu-supervise ng pagsusulat ng script, hands-off na raw si Bob Ong sa lahat ng aspeto ng pelikula. Ayon kay Nida Ramirez, "He wants to be hands-off doon sa creative process ng movie. Aside dun sa pag-a-advise whether the script is full to the message of the book. Apart from that, ayaw na sana niya makialam dun sa other aspects ng movie."

Sikat man sa larangan ng literatura, ayaw pa rin isapubliko ni Bob Ong ang kanyang identidad. Hanggang ngayon, walang nakakaalam kung ano ang kanyang tunay na pangalan at kung sino talaga si Bob Ong. Paliwanag ni Nida Ramirez, hindi raw kailanman hinangad ni Bob Ong ang kasikatan.

"Sabi niya, for him kung tama yung pagkakaalala ko, para sa kanya, yung fame is like yung ring sa Lord of the Rings na hindi lahat can be Frodo na kaya niyang hawakan yung power niya. So siya he doesn't trust himself to, perhaps nga, na kakayanin niyang hawakan yung fame if ever it happens. Gusto lang niya ng simpleng buhay."

Simple kung simple talaga dahil ang buong bayad ng Viva Films sa kanyang mga libro ay ipapamahagi niya sa GMA Kapuso Foundation. Oo, nakaka-wow. Sino nga kaya ang taong 'to? Hanggang kailan kaya magiging palaisipan kung sino si Bob Ong? Ganunpaman, maraming salamat sa mga makabuluhang libro.
This article is brought to you by Viva Entertainment. For Pinoy entertainment news and Pinoy showbiz balita, visit Viva Entertainment's official website www.viva.com.ph
Follow Viva site at these accounts!
Set as favorite
Bookmark
Email this
Hits: 10833
Comments (11)

written by Alexander Duca, February 24, 2012
Sa palagay ko, if anybody would make Bob Ong's novel come to life, Chris Martinez should direct it. Feeling ko, mala BABAE SA SEPTIC TANK dapat ang peg ng mga movie na ito 'coz that movie also talks about Pinoy Film industry. I think, so far, only Christ Martinez can direct a film both comedic and satirical, not any other Viva's traditional heavy drama overrated directors na tinutukoy mismo ng books ni Bob Ong. In fact, yung mga gawa ni Bob Ong, I think could be best done pa nga through independent films.
written by ako istrayps, February 26, 2012
Saludo ako kay Bob Ong. Hangad ko ang tagumpay ng pelikula.
written by Djeza, February 27, 2012
Grabe! e2 n ung inaantai q mtgal na! can't wait to see his masterpiece in the big screen!! sana pati ung Ang mga Kaibigan ni Mama Susan, Macarthur, kapitan Sino.. actually lahat., haha..
)
I supah love it!! ♥
thanks to viva.. weeeee..
) I supah love it!! ♥
thanks to viva.. weeeee..
written by klarong klaro, February 28, 2012
WHATATAT.. panonoorin ko ang pinikulang ito ..! GRABE naiisip ko palang dati na "PANO KAYA KUNG ISAPENIKULA ISA SA LIBRO NI BOB ONG" tas nangyari na agad..! ndi lng isa dalawa pa sa n ka pa..! proud to be a fan of yours BOB ONG idol tlga kita..!
Write comment
| < Prev | Next > |
|---|









